Saturday, May 19, 2007

Middle Class Woes

I was writing some updates for this blog. At the same time, I was also surfing the net waiting for some inspiration to hit me. Then I stumbled upon these sites.

Ouch.

More ouchies.

To further fire up this technolust, I am posting pics of these sexy gadgets to remind me of the kind of techno-orgasmic experience I am missing.












Hay. This is why sometimes I wish I was born with a monosyllabic surname that is synonymous with money.

Gotta go finish the updates.

Saturday, May 5, 2007

Rain of Thoughts

(This is an old article, an experimental style of writing in Filipino. Also, The summer heat has dried up my serious thoughts. I miss June.)

Dala siguro ng sobrang init ng panahon kaya kung pumasok na naman sa isip ko ang kung anu-anong kalokohan. At dala rin siguro ng sobrang init kung bakit para akong ewan na humihiling sa langit ng ulan.

Wala lang naman. Masaya kasi ako kapag umuulan dito sa atin. Bukod kasi sa suspended classes, e may iba pang kasiyahan ang naidudulot ito sa akin. Ewan ko lang sa iba, pero gusto gusto ko ang mga ganitong panahong basa (bawal marumi ang isip!). Pasintabi po sa mga lumalangoy sa baha, hayaan nyo sana muna akong magpaka-ewan sa pagsulat tungkol sa kalokohan kong kakaiba.

Ibang klase kasi ang atraksyon ko sa ulan. Lakas tama ika nga nila. Para bang isang malupit na chicks na swabe ang dating. Parang nasa ulap ang feeling. Fresh na fresh, parang naligo sa Zest. Relaxing ang pakiramdam ng yakap ng malamig na hangin. May konting kibot, may konting kilig. At astig na music sa aking pandinig ang tagaktak ng tubig sa bubong. Nakaka-high na nakakagaan ng pakiramdam ang dulot ng bawat patak ng ambon. Kakaibang trip. Kakaibang libog.

Hindi po ako baliw o manyak o adik.

Pusta ko ay nagsimula ang kakaibang pagkahumaling na ito noong ako ay bata pa. Sa lugar kasi namin dati, wala pang gaanong mga bahay. Maluwag ang mga lote. At mantakin mo, mayroon pang bukid! Siempre, anu pa bang alam gawin ng mga uhuging batang tulad ko, kundi ang balahurain ang mga lupang ito?

Takbo rito, takbo roon. Yan ang buhay namin ng mga kalaro ko noon. Mataya-taya, agawan-base, taguan, Kapag nagkapikunan, minsan may suntukan. Ilang peklat na rin ang natatamo ko sa kaharutan ko non. Wala kaming pinipiling lugar at panahon. Kapag nagkayayaan, ariba lang. Ang mauna, gwapo! Ang burot, gago! Buti na lang mabilis akong tumakbo, kaya bihira maging taya ang mokong na to.

Pasaway sa pasaway, pero minsan, maghapon ang laban. Kesehodang lumalawit na ang mani ng mga nanay namin sa kakasigaw - larga lang! Masaya kasing mangupal ng mga natatalo. Masarap din kasi ang pakiramdam kapag wala kang inaalala at takbo ka lang nang takbo.

Mas masaya lalo na kapag umuulan. Walang delay-delay, tuloy ang laban! Andyan kasi ang challenge kapag basa ang lupa. Mas swabe kapag maputik kahit mahirap tumakbo. Ilang ulit na rin akong sumubsob at kumain ng lupa sa pagligtas ng mga "nahuli" na kakampi ko. Agawan-base lang. Bawal ang palit-bote rule kung mabilis ang mga nahuli (ganun na kami ka-selective nun, bata pa lang, madupang!). Bilang isa sa mga alas ng tropa, ako ang pain ng mga ungas. Ako ang magpapahabol para ang iba kong kakampi ang ibang olats ay mailigtas. Distraction tactic. Yeba, sarap ng putik!

Kapag nag-kaayawan na, derecho pa rin sa pagtampisaw sa ulan. Sa punto namang ito kami ay nagsu-swimming. Derecho kami sa drum na saluhan ng tubig-ulan. Lubog, lusong! Feeling diver, walang paki kahit may taing-pusa sa alulod ng bubong. Yakker!

Kapag umariba na si ermats, takbo naman kami sa bukirin. Hala, ligo. Pag-uwi sa bahay, palo! Natural, sipon at ubo ang premyo ko. Pero keri lang; masaya, masarap, asteg maligo nang hubad. Masarap ang bawat patak sa musmos kong balat. Dapa, bangon. Ulan ang bahala. May banayad na kiliti ang dulot habang sa kirot ng sugat ay tumutulo ang luha.

Noong ako ay tumuntong ng hayskul, nag-iba na rin ang mga trip. Siempre, para cool. Subalit labs ko pa rin ang ulan; lalo kaming naging batak. Doon sa isang science highschool sa may Taft, doon ko mas pa siyang nakilala ang mga bawat patak.

Madalas akong umupo sa tabing-bintana. Kapag walang seating arrangement, pustahan ay nasa bintana ako. Kakaibang kakupalan marahil, pero maano? Masayang tumanaw sa labas habang klase; manood ng mga kapwa mag-aaral na dumaraan at mag-isip ng kung anu-ano habang dumadaldal ang guro sa harapan.

Sa ganitong paraan din kasi mas nasasagap ko ang unang ihip ng hanging habagat – at kaalinsabay nito ang malamig na halik ng unang ambon. Pikit-mata kong sinasamyo ang kakaibang bango ng hangin habang ang tumamatalsik ang laway ng guro ko.

Hindi naman puro kaligayahan ang dulot ng ulan sa akin. Muntikan na akong magka leptos pirosis (tama ba ang ispeling?). Makailang-ulit na rin akong lumusong sa baha. Kadiri kaya alipunga. Hindi na mabilang na ako ay na-stranded sa paghintay ng mga jeep dahil sa hirap sumakay. Maraming notebooks na walang laman ang nalugaw, pati libro, nagulay! Sangkatutak na baon ang nawaldas sa loob ng computer shop sa Pedro Gil; ilang Counterstrike hours ang lumipas sa paghihintay na ang ulan ay tumigil.

Nasabi ko na bang may jinx ako sa payong? Isang tanga at kalahati rin kasi ako pagdating sa lintek na ito. Tawsan tayms na yata akong nasiraan, nawalan o nanakawan. Samu't saring sakit na rin ang tumama sa akin. Sipon, upo, trangkaso, lagnat at anu pa man.

Umuulan rin nung unang masaktan ang mura kong damdamin. Pebrero noon at araw ng mga Puso. Para akong nilunod nang makita ko si crush na may ibang kasama sa waiting shed namin. Mistula baha ang aking luha at uhog na nag-uunahan sa pag-agos. At parang scripted na sa sandaling iyon, isang ligaw na ulan ang bumuhos. Parang pelikula ang drama! Mabigat ang mga patak sa sahig. Parang karayom kung tumusok ang lamig. At parang isang tuksong mapangutya, ang ulan na gustong-gusto ko ay dagliang nawala; iniwan akong basa, malamig at nag-iisa. Sinong may-sabing puro sarap lang ang pagmamahal?

Hindi ko alam. I don't know. Ewan.

Hindi ko rin maipaliwanag ang aking pakikitungo sa ulan. Siguro nga baliw ako – masiyahan daw ba sa bawat pagbisita ng ulan. Siguro nga ay pulpol na romantiko simpatiko ang saysay. Sentimang ang drama habang nakadungaw sa bintana ng dyip, bus o bahay. Nananaginip habang pilit binibilang ang patak ng ulan na nag-uunahan sa pagbagsak.

Marahil nga ganon, marahil hindi. Dahil ang ulan ang aking misteryosong kaibigan. Ang kwento ng aking pagkabata ay kanyang nasaksihan. Habang bumabatingaw ang boses ni ermats, ako ay malayang tumatakbo at naliligo sa ulan na parang olats. Habang machine-gun ang bibig ni Ma'am sa harapan sa pagtuturo ay malayo ang aking tanaw sa labas ng bintana.

Lessons? Ang ulan ang nagturo sa aking mangarap, ang bumalikwas sa normal at lumihis sa mga nakararami. Habang ang mga kumag kong klasmeyt ay nakikinig at nagiging sunod-sunuran, ako ay nangangarap. Kinatawan ng ulan ang kalayaang nadarama ng isang musmos na noon pa lamang natutuklasan ang mundo. Habang ang ibang bata ay nasa loob na ng bahay, ako ay nasa labas parin, basa ang katawan, nakatingin sa langit, at tumatakbo palayo.

Malayo sa kanila. Malaya sa kanila.

Wednesday, May 2, 2007

OJT woes

Hindi na 'to nakakatuwa, ha.

I am about to break my neck and lose my already poor eyesight to this "work" given to me by my OJT supervisor. I was requested to tally the job openings posted at Jobstreet from April 17-19. In my conservative estimate, there were about 200 jobs (4 pages, 50 posts each) posted per day, so I spent the whole day looking at the monitor then at the record sheet, my head bobbing up and down like a dashboard doggie decoration (wow, alliteration).

Ah, I am in Business Mirror now. I was effectively banished from the Philippine Graphic. I was sent down to the Biz Mirror office after I was caught up in a paper mess. No, I did not do anything stupid. It turned out that Sir Louie, my first editor, was busy with his resignation and I surmise that was the reason why "hindi niya ako ma-train."

Now that I think about it, I spent five straight days in the office waiting for any assignment to fall on my lap, which never occurred. My editor and I had this agreement that he would put "6:00 pm" as my "out time" in my log card. That's because I was supposed to be out there in the field, sniffing for stories (which can last the whole day, hence the logout time). But since he was not able to give me any fieldwork, and with the agreement still on, I wasted a big chunk of time in my OJT. Now I don't know if that's any good because the time is an automatic deduction from the required 150-hours. But then again, those precious 20-plus hours could have been used to interview a candidate or what.

So to save me from further intellectual inadequacy, not to mention boredom, my editor sent me to Ma'am Leah, senior editor of the Mirror. There, my agony was relieved.. or maybe not. After a short lecture on Philippine Stock Exchange, I was assigned to write a news story based on a PSE memo. To my chagrin, the article did not come out the next day. Obviously, no byline.

Speaking of issues and byline, the Labor Day article that I painstakingly did never came out in this week's issue of Philippine Graphic. Sir Louie promised to review the article so it can be published. But I bet he hadn't even read it, because the last time I reminded him, he hadn't opened his mail. Hayyy.

Oh well, I am procrastinating. I can move my neck a little now. I'll write more about my not-so-exciting OJT later. That is, after 10 years of tallying these job openings which I hope I have taken instead.

It sucks, I know.