Thursday, August 2, 2007

Distansya

Sa lansangan mo natagpuan iyong tunay na kalayaan.

Sa lansangan mo nasaksihan ang pagsulat ng kasaysayan.

Sa lansangan mo natagpuan ang iyong buhay't kabuluhan.

Sa lansangan mo nahanap ang sagot na iyong inaaasam.

Sa kahabaan ng daang binalak mong bagtasin,

Baon mo ang hindi mamamatay na adhikain.

Sa iyong pagsulong sa daan sa pagitan natin,

Ihahatid ka ng aking diwa at mga tingin.


No comments: